With her charming appearance and active social life, Tiffany Grace Uy went viral in social media sites because of her 1.004 GWA when she graduated with a BS Biology degree from the University of the Philippines Diliman. She had the highest GWA in UP since World War II, but despite having high grades, the UP Summa Cum Laude said that “grade are just numbers.”
Are grades really just numbers? Is graduating with honors really important to the youth?
We went around the Quezon City Memorial Circle one weekend to ask our fellow young people what they think of the issue.
Tennyson Kenric Chu, 21
“Para sa akin, hindi mo kailangan grumaduate with honor kasi hindi naman iyon ang magsasabi kung ano yung magiging kinabukasan mo. Nasa tao yun kung magiging madiskarte ka o hindi. Although nakaka-add up ang pagiging honor, pero hindi nun dinedefine kung sino ka, kung ano ka bilang tao. Yung iba meron ngang honor pero ubod naman ng yabang. Mas maganda yung wala pero meron kang magandang character.”
Russel Joy Maun, 17
“Graduating with honors is a pleasure kasi masaya sa feeling. Masarap kasi pinaghirapan mo yun tapos may honor ka. Pero yung bad thing naman doon sa isang banda, kapag honor student ka nga pero di mo pinagsikapan, hindi maganda. Pero kung pinaghirapan mo talaga, karapat-dapat yung ganun.”
Angello Ghel Estrabo, 14
“Sa akin, okay na po yung makagraduate ka at wala kang tinatapakan na tao tapos nagawa mo po lahat ng makakaya mo.”
Alliah Dimalao, 16
“Para sa akin karangalan iyon ng magulang kasi bihira yung mga kabataang nakaka-achieve ng ganung kataas [na grade] so para sa isang magulang, sila na yung napakaswerte.”Jennica Jane Fulgencio, 16
“Di naman po importante honor basta makatapos ka. Makakahanap ka naman ng trabaho kahit di ka honor. Siguro pag may honor ka lang mas mataas yung standards mo.”
Cyrell Balayo, 18
“Sa akin po hindi po importante kung may honor o wala. Ang importante ay makapagtapos ng pag-aaral at yung kaya mong makipagsapalaran sa mga tao. Kahit di ka first honor or honor man, okay lang basta makagraduate ng college at makahanap ng trabaho at maayos na buhay, yun lang po.”
Yvonne Urbina, 16
“Ang importante may matutunan tayo sa school saka ma-apply natin iyon pagkagraduate natin.”
Aden Abesamis, 14
“Ayos lang, yes importante sa akin iyon para makatulong ako sa magulang ko.”
Patricia Bautista, 17
“Yung iba nakagraduate nga, di naman makahanap ng trabaho kahit naging honor student. So yung pagiging honor student, pinagmamalaki mo na lang.”
Bryan Nate, 16
“Ang mahalaga po, yung grade mo na mataas at di hadlang yung mga pagsubok na binibigay sa iyo ng teacher at kahirapan ng buhay mo.”
Julie Sheyne Rejuso, 16
“Sa magulang ko, makatapos lang ako, okay na sa kanila. Parang yun na yung kapalit ng paghihirap nila. Saka sa panahon ngayon, hindi na honor ang pinagbabasehan kundi diskarte.”