May mensahe ka bang nais ipahatid sa iyong kapwa kabataang Pinoy ukol sa sex, sexuality o sexual health?
Ipahayag ang iyong opinyon at sumali sa “Sexual Health: Shout or Shush” video contest ng Mulat Pinoy. Hinihikayat ang mga kabataan, edad 30 pababa na bumuo ng video ukol sa mga napapanahong isyu tulad ng teen pregnancy, sex education, HIV/AIDS at iba pa.
Sa tulong ng IT company na Brewed Concepts, tumatanggap ang Mulat Pinoy ng video entries sa pamamagitan ng Sexual Health: Shout Or Shush Facebook application. Dito, maaari ninyong i-submit ang inyong entries, hintayin ang facebook public voting sa Nobyembre! Simple lang, diba? Kaya mag log in na!
Sundan lang ang sumusunod na STEPS:
- Mag-login sa Facebook. I-Like ang Shout or Shush page (www.facebook.com/shoutorshush).
- I-click ang Submit Video/Shout or Shush app. I-click ang “Go to App” at “Allow.”
- Kokopyahin ng Facebook App na ito ang ilan sa iyong personal information. Kabilang dito ang name and date of birth.
- I-type ang address, contact number at email address. Basahin ang Terms and Conditions at i-click ang “Register.”
- I-submit ang iyong entry. Pwede mag-upload ng video, o i-click ang “Record” para gamitin ang iyong webcam. Maaaring i-preview ang iyong video bago i-click ang “Submit Video.”
Abangan sa Gallery ang iyong video para pwede mo nang i-share sa iyong Facebook friends!
Kung ikaw ay edad 30 pababa, sali na sa Sexual Health: Shout Or Shush video contest! Paalala, bumuo ng video na hindi hihigit sa dalawang (2) minuto.
[box type=”info”] * The deadline of submission of entries has been moved to October 31, 2012.[/box] For more information, visit www.mulatpinoy.ph.CONTACT:
Regina Layug Rosero, Mulat Pinoy Project Coordinator
Telephone: (02) 4330456
Email: [email protected]