Ni Regina Layug-Rosero
Bilang anak ng mga OFW, madalas ikinagagalit ko ang pag-depende ng gobyerno sa OFW remittances para sa pondo. Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, halos 10% ng GDP ng Pilipinas nung 2010 ay nagmumula sa OFW remittances na umabot ng $18.76 billion. Ayon sa President’s Budget Message for 2010, “contagion effects of global recession can affect OFW remittances and export receipts that can slow down domestic consumption which, combined with lower investment flows, can reduce GDP growth.” Ngunit nagdudusa pa rin ang mamamayang Pilipino, at naaapi pa rin ang mga dakilang OFW. Ikinalulungkot ko ang paghihiwalay ng mga anak sa kanilang magulang, ng mga mag-asawa, ng mga Pilipino sa Inang Bayan.
Ngunit ngayon, ikinasisiya ko na may inaalok na tulong ang gobyerno sa pamilyang OFW. Sa pamamagitan ng OFW Reintegration Fund, maaaring kumuha ng loan ang mga returning OFW upang makapagtayo ng negosyo. Sa First National Congress of OFWs and Families, na ginananap noong ika-7 ng Marso, 2011, labing-isang OFWs ang inabutan ng check upang masimulan ang iba’t ibang livelihood projects. Si Alex Gono ng Davao ay nakatanggap ng Php 500,000 para sa isang dental laboratory, habang ang mag-asawang sina Jenette at Rodel Clarete ng San Juan, Batangas ay nakakuha ng loan na Php 300,000 para sa hog fattening. Nasa Php 8M ang kabuuan ng loans na pinamigay sa OFW Congress.
Ang ibang OFW naman ay nagpupulong sa mga kani-kanilang barangay. Ang OWWA ay nag-organisa ng mga OFW associations at OFW Family Circles (OFC). Itong mga grupong ito ay nag-aalok ng training para makapag-negosyo ang mga OFW at ang kanilang mga pamilya. Ayon kay Mrs. Zenaida Magnaye ng Tondo, Manila, nakapag-training na sila sa meat processing, candle-making at beadwork. Si Mrs. Magnaye ay nagtrabaho sa Riyadh, Saudi Arabia, ng walong taon, habang ang asawa naman niya ay nasa Jeddah. Mula sa kanilang pagsisikap, ang kanilang dalawang anak ay nakapagtapos ng pag-aaral sa Lyceum of the Philippines at sa Arellano University. Ngayon tinutulungan ni Mrs Magnaye ang ibang pamilya para makapag-negosyo.
Ang DOLE naman ay merong Kabuhayan Starter Kit para sa mga returning OFWs na babae. Ayon kay Mrs. Aurora Halcon ng DOLE-NCR, maaaring mag-training para makapag-tayo ng mga SME o small to medium enterprises, tulad ng massage service, plumbing, cosmetology, welding, at iba pa. Isang linggo ang training, at pag nai-submit ang mga tamang papeles, maaaring makakuha ng collateral. Ang mga proyektong ito ay iniaalok sa lahat ng Pilipino, at lalong-lalo na sa mga kababaihan.
Pwede ring lumapit sa mga banko ang mga OFW. Ang Landbank at ang Development Bank of the Philippines (DBP) ay merong OFW Reintegration Program, kung saan ang mga OFW ay maaaring makakuha ng loan para sa sari-saring livelihood opportunities. Ang mga pribadong banko tulad ng Bank of the Philippine Islands at Banco De Oro ay nag-aalok di lamang ng loan kundi pati na rin ng mga remittance programs upang mas medaling makapagpadala ng pera sa mga minamahal.
Syempre hindi lang negosyo ang kailangan ng OFW families. Ang OWWA ay may sari-saring scholarship program. Para sa mga depedents tulang ng mga anak o kaya kapatid, may OFW Dependents Scholarship. Ayon as OWWA, “OFW dependents who passed the qualifying exams will receive Php60,000.00 per year to pursue any four- to five-year tertiary course in any CHED-accredited college or university of his/her choice.”
Meron ding Skills-for-Employment Scholarship Program, para sa mga land- or sea-based OFW o kaya sa kanilang dependents. “This scholarship program offers a six-month vocational and one year technical course following the regular school year calendar. The qualified applicant for one year technical course will receive P14,000 financial assistance while P7,250 will be granted for six-month vocational course. The financial assistance will be given directly to the training institute where the dependents/beneficiaries enrolled.”
Malaking tulong ang magagawa ng mga programang isinusulong ng pamahalaang Aquino, at sana hindi lang negosyo ang ialok sa mga OFW. Ngunit alam naman ng lahat na bukod sa pera, maraming ibang problema na bumabagabag sa ating mga kabayan na nangingibang-bansa. Ito ay mga problema tulad ng illegal recruitment, kakulangan ng counseling para sa mga naaabuso, at kakulangan din ng suporta mula sa mga Philippine embassy at consul sa mga bansa kung saan maraming OFW. Sana dumami pa ang mga scholarship para sa mga anak na naiwan ng mga magulang. Sana magkaroon ng tax benefits para sa mga OFW at sa kanilang dependents.
Marami pang pwedeng gawin ang gobyerno, ngunit kahanga-hanga na itong unang OFW Congress, at sana sa paglago ng kanilang mga nasimulang negosyo ay mabawasan na ang pangangailangan para mag-abroad para lang kumita ng sapat.