Si Jazel, edad 21, ay isa sa maraming kabataang maagang nabubuntis. Dahil sa kahirapan ng buhay napilitan siyang gumawa ng isang mabigat na desisyon. Matutunghayan natin kung ano’ng mga pagsubok ang dumating sa buhay niya, at kung ano ang naging tuntungan niya para malampasan ito.
“Nagsimula akong makipagrelasyon sa edad na katorse. Dahil sa hilig ko’ng makipag-textmate, nakilala ko si Robert sa isang clan. One year siya’ng nanligaw at di kalaunan sinagot ko siya. Kaso nung naging kami nawalan ng komunikasyon. Di kalaunan nagkaroon ulit kami ng komunikasyon dahil sa aking trabaho sa computer shop. Dahil sa madalas naming pagkikita, kahit hindi namin inaasahan ay may nangyari sa aming dalawa. Kaya nabuntis ako sa edad na labing pitong taong gulang.
“Nang malaman ng pamilya ko na nabuntis ako, halos bugbugin nila ako sa galit. Sabi nila, paano na daw ang aking pag-aaral sa kolehiyo? Gusto ni Robert at ng kanyang mga magulang na magpakasal na kami. Pero umayaw ako. Kung hindi ako nabuntis agad, dapat ipapadala na si Robert sa ibang bansa kasama ang kanyang ina.
“Di nagtagal nakipaghiwalay na ako dahil pilit ng pilit ang kanyang mga magulang na magpakasal na kami, kaso ayaw ko talaga, ayoko talaga. Hanggang sa dumating sa punto na kinukuha nila si Mitoy sa akin pero lumaban ako. Parati ko’ng iniisip hindi’ng hindi ko ibibigay sa kanila ang aking anak. Hanggang sa nagdesisyon ako na umalis at lumayo sa pamilya nila Robert.
“Di nagtagal nakipagrelasyon ako kay Tan na tomboy. Nagalit ang aking mga magulang ng malaman nila na nakipagrelasyon ako sa tomboy. Di nila tanggap si Tan kaya pinalayas kami. Marami kaming pinagdaanan ni Tan. Pinagsalitaan siya na bakit siya pa ang napili mo, at pinalit mo, may hanapbuhay ba ‘yan, may ipapalamon ba ‘yan sa iyo. Kapag may trabaho si Tan maayos ang pakikitungo nila, pero pag wala di nila tanggap. Nag-aalala ako dahil kapag lumaki ang aking anak, wala siyang makikilalang ama kundi si Tan. Kung sakaling tanungin niya ako, di ko alam kung ano ang aking sasabihin. Hindi ko maipapaliwanag nang tama.
“Hindi ko pinagsisihan ang lahat ng nangyari sa akin dahil dumating si Mitoy sa buhay ko, at siya ang nagbibigay-lakas sa akin. Masaya ako ngayon sa kung ano ang aming kalagayan, kahit na alam ko sa sarili ko na hindi panghabang buhay si Tan sa aming dalawa ni Mitoy, kahit ako’y may anak na. Magagawa ko pa ring makapag-aral sa kolehiyo.”
One Comment on ““Batang Ina: Ang Kwento ni Jazel””
This is very interesting! 😀