Open letter to our Hero OFWs from OWWA

MP-KNN teamNews ArchivesLeave a Comment

Maluwalhating Pagdating sa Pilipinas, Kabayan!

Maraming salamat sa Maykapal at kayo’y nakarating ng ligtas sa ating bayan. Mahalaga ang mga panahon na ito upang ating makapiling at maipadama ang ating pagmamahal sa ating pamilya. Pag-isipan po natin ang mga susunod na hakbang para sa kabutihan ng kinabukasan ng ating mga mahal sa buhay. Bilang tugon, kami naman sa Overseas Workers Welfare Administration ay inyong kaagapay sa pagbibigay ng benepisyo at serbisyo para sa ating mga bayaning Overseas Filipino Workers. Ang mga sumusunod ay inyong mapaki-kinabangan bilang isang aktibong miyembro ng OWWA: OWWA’s airport assistance.

Inaalalayan ng OWWA ang ating repatriated OFWs sa kanilang Immigration and Customs requirements pagdating sa airport. Inihahatid din ng ating mga kawani ang OFWs sa pinakamalapit na sakayan pauwi sa kanilang probinsiya at doon naman sa mga hindi kaagad makakauwi ay mayroon kaming “Halfway Home” bilang pansamantalang tirahan sa aming tanggapan.

Welfare and relief assistance. Nagbibigay ang OWWA ng P10,000 sa mga miyembro na galing sa mga bansang may kaguluhang kaugnay sa pulitika tulad ng sa Libya at bansang apektado ng kalamidad tulad ng lindol sa New Zealand. Maari itong makuha sa 17 OWWA Regional Welfare Offices sa inyong lalawigan. Kailangan lamang ay magsumite sila ng kopya ng passport o travel document bilang katunayan na galing sila sa nasabing bansa.

Workers Livelihood Program. Maaari rin po kayong magtayo ng negosyo o pangkabuhayan sa tulong ng OWWA. Bahagi ito ng Reintegration Program ng OWWA , Department of Labor and Employment (DOLE) at ang National Reintegration Center for OFWs (NRCO). Makipag-ugnayan lamang sa pinakamalapit na tanggapan ng nasabing ahensiya.

Alalay sa paghahanap ng trabaho (Job search assistance). Ang atin naman pong tanggapang ng DOLE sa 17 rehiyon ay handang tumulong sa inyo sa paghahanap ng trabaho upang mapagpatuloy ang inyong pagsuporta sa pamilya sa pagbalik ng bansa!

Ang lahat ng ito ay handang ibigay ng OWWA. Dahil sa OWWA ang miyembro protektado!

Maraming salamat po at mabuhay ang ating mga Bayaning OFWs !

OWWA

ADVOCACY AND SOCIAL MARKETING DIVISION (ASMD)
Overseas Workers Welfare Administration
(632) 891-7601 loc. 5414, 5603 or (632) 891-7741
email address: [email protected]/ [email protected]
website: www.owwa.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *