Ni Liwliwa Malabed
Ang mas mahalagang tanong: alam ba ng magulang, kapamilya, mga guro at ng mga tao sa paligid mo? Noong nagsimula akong mangolekta ng panitikang pambata, kapansin-pansin na ang huling pahina ng Aklat Adarna nakalaan sa karapatan ng bata. Bilang guro, pinag-aralan din namin ito sa unibersidad. At nung nagtuturo pa ako, isa sa mga kantang itinatanghal ng klase ko ay BAWAT BATA ng Apo Hiking Society.
Ang bawat bata sa ating mundo
Ay may pangalan may karapatan
Unang linya pa lang ng kanta, natumbok na ng APO ang layunin ng artikulong ito: na ang bawat bata ay may karapatan. Ayon sa Child Rights Information Network, nahahati sa dalawang kategorya ang karapatan ng mga bata:
Economic, Social and Cultural Rights ay tumutukoy sa pangunahing pangangailangan ng katulad ng pagkain at tubig, bahay, edukasyon, pangangalaga ng kalusugan at maging ang mga karapatang-kultural ng mga katutubo na kinabibilangan ng bata. Environmental, Cultural and Developmental Rights naman ang karapatan ng bawat bata na mamuhay sa ligtas na kumunidad na makilahok sa pag-unlad ng ekonomiya, kultura at maging sa pagpapalakad ng pamahalaan.
Hayaan mo’ng maglaro ang bata sa araw
At pag-umulan nama’y magtatampisaw
Mahirap man o may kaya, maputi, kayumanggi
At kahit ano ma’ng uri ka pa
Sa’yo mundo pag bata ka
Maliban dito, may karapatan din ang mga bata na maprotektahan sa anumang abuso, pagpapabaya at diskriminasyon. Dapat malaya sila na maglaro at matuto.
Hayaang pagbiyan na ng pagmamahal
Katulad nang sinadya ng may kapal
Tumutugma ito sa Maslow’s hierarchy of needs kung saan, maliban sa pangangailangang pisikal at seguridad, dapat di kaligtaan ang pangangailangan ng bawat bata na mahalin, maibilang sa pamilya at kumunidad, irespeto at makamit ng potensyal nila (self-actualization). Kung susuriing mabuti, ang mga pangangailangan na ito ay matutugunan ng pamilya, paaralan at lipunan.
Lubhang mahalaga ang edukasyon sa pagbuo ng pagkatao ng kabataan. Kaya nakatutuwa na kabilang ito sa mga priorities ng pangulo ng ating bansa. Layunin ni P-Noy na itaas ang kalidad ng edukasyon sa bansa sa pamamagitan ng pagdagdag ng dalawang taon sa 10 taong ginugugol ng mga estudyante sa eskwela. Maaalala natin na sa SONA, ibinida ng presidente na “Magkakapondo na po para maipatupad ang mga plano natin sa edukasyon. Mapapalawak natin ang basic education cycle mula sa napakaikling sampung taon tungo sa global standard na labindalawang taon.”Suportado ng DepEd ang K+12 ayon kay Sec. Armin Luistro. Naniniwala si Luistro sa sinabi ng pangulo na pag maayos ang edukasyon sa Pilipinas, maayos ang mga problema ng bansa at makakabuo ng mas matatag na sosyedad at gobyerno.
Ngunit hindi lahat ay sang-ayon dito. Ang Student Council Alliance of the Philippines ay humahanga sa layunin ng president ngunit tingin nila, hindi pa handa ang bansa sa ganitong reporma. Dahil maraming magulang ang nahihirapan na pag-aralin ang mga anak, baka magbunga pa daw ang karagdagang dalawang taon sa paglobo ng bilang ng dropouts sa mga paaralan. Simpleng math: ang karagdagang dalawang taon ay nangngahulugan lamang ng karagdagang gastos. Maige pa, ayon sa grupo ng mga kabataang lider, na solusyunan muna ang kakulangan ng mga kwalipikadong mga guro at mga maayos na eskwelahan.
Maging ilan sa mga mambabatas ay di bilib sa K+12 programa ni P-Noy. Ang tugon ni Sen. Sotto sa panukala ng pangulo ay “quality education, hindi quantity of years in education.” Ilang mga guro ay nagpahayag na rin ng pagtutol sa munkahing K-12. Ang Ramon Magsaysay Awardees na sina Christopher Bernido and Marivic Carpio-Bernido ay naniniwalang kailangan munang ayusin ang mga namamayagpag na problema sa edukasyon, lalo na sa basic education, bago magdagdag ng dalawang taon.
Sources:
http://www.crin.org/resources/infoDetail.asp?ID=13423
http://en.wikipedia.org/wiki/Maslow%27s_hierarchy_of_needs
http://www.pia.gov.ph/?m=12&fi=p100730.htm&no=82
http://scapnational.wordpress.com/2010/10/06/k-12-is-bold-yet-untimely-pnoy-should-address-education-sector%E2%80%99s-immediate-needs/
http://www.mb.com.ph/articles/280874/senators-divided-deped-s-k12-years-education-system
http://www.gmanews.tv/story/199615/pinoy-magsaysay-awardees-oppose-12-year-basic-education-cycle
2 Comments on “Bata, bata, alam mo ba ang karapatan mo?”
you want simple math? two years of less basic ed is two years opportunity wasted. pag hindi naka-pagcollege and isang HS grad, dalawang taon syang naka-tenga dahil, legally, di pa sya pwedeng magtrabaho.
whether or not may drop outs, hahayaan na lang ba ng SCAP na walang patunguhan yung mga HS grad na walang pang-college? maraming bansang naghihirap ang may 12 to 14 year basic ed cycle at dinadahilan man nila ang gastos ng pamilya, di makakaila ang social returns nito.
isa pa, to argue na dapat unahin muna ‘to, etc is to think na hindi pwedeng pagsabay-sabayin o i-pace ang reporma sa basic ed. habang hindi natin inaayos ang basic ed cycle, dalawang taon ng oportunidad ang nawawala sa mga HS grad na di pinalad makapagkolehiyo.
in fact, kahit makapagkolehiyo ka, dalawang taon ng dapat sana’y libvreng edukasyon sa pampublikong paaralan ang binabayaran mo pa sa college (two years of gen ed). ang resulta? ang four yeras course mo, siniksik sa dalawang taon. lugi ang studyante, talo ang pamilyang nagpaaral.
it’s frustrating that SCAP who has been pushing for years for students’ rights can’t see the value of the basic right of every person to a good education.
Here’s the complete statement of SCAP regarding K+12 that does not place the issues surrounding K+12 on opposite poles but rather contextualizes the issue:
http://scapnational.wordpress.com/2010/10/06/k-12-is-bold-yet-untimely-pnoy-should-address-education-sector%E2%80%99s-immediate-needs/
Gibby Gorres
[email protected]
Secretary-General
Student Council Alliance of the Philippines