Ikaw ba ay nababagot, walang magawa at makausap? Pwes ilabas na ang celphone o digital camera, paganahin na ang laptop cam o webcam at sumali sa MULAT PINOY POP-I VIDEO CONTEST: Eye-popping population info videos.
Sagutin lang ang isa sa dalawang tanong na ito sa pamamagitan ng paggawa ng 30 hanggang 90-segundong video.
Masusunog ka ba sa impiyerno kung gagamit ka ng condom?
Sa sobrang dami ng tao sa Pinas, paano ka makakahanap ng trabaho?
Para sa unang tanong (ROUND 1), i-upload ang video entry sa Youtube account mo mula April 23 to May 21, 2010. Ang video entry naman sa pangalawang tanong (ROUND 2) ay pwedeng i-upload mula May 7 to June 4, 2010. Ipadala ang mga sumusunod na impormasyon sa mulatpinoy (at) probefound (dot) com para sa bawat entry.
Subject: Mulat Pinoy Video Contest round 1 or round 2 (specify what round)
Name:
Age:
Email Address:
Mailing address:
Telephone, Mobile:
Brief description of video:
URL/YouTube link of video:
Maaring mag-upload ng kahit ilang video entries at sumali sa dalawang round ng paligsahan. Tig-sampung finalists ang mapipili sa una at pangalawang bugso ng contest. Mula sa mga finalists, dalawa ang magwawagi ng grand prize na Flip video camera at 10 contestants naman ang tatanggap ng consolation prizes. Ang mga winners ay paparangalan sa awarding ceremony na magaganap sa June 19.
Malaking bahagi sa criteria ng pagpili ng mga mananalo ang popdev relevance. Dito sa Pilipinas, mahalagang isyu ang populasyon. Ang mabilis na pagdami ng Pilipino ang sanhi ng kasalukuyang kakulangan ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, pabahay, serbisyong pang-kalusugan, edukasyon at trabaho. Ang pagkastigo ng simbahan kay Health Sec. Esperanza Cabral dahil sa condom-distribution program ng DOH at kay Robin Padilla para naman sa pag-endorso nya ng isang brand ng condom ay ilan lamang sa usaping popdev. Ang mga video entries ay magpapalawig ng kaalaman sa popdev at magbibigay daan sa pagtuklas ng mga solusyon para sa mga problemang kaakibat ng populasyon. Bisitahin ang http://www.mulatpinoy.ph/videocontest para sa buong detalye ng contest.
Maging malikhain, pagalawin ang haraya. Lights, camera, action!