Gumising na at mag-Kapihan kasama ang Mulat Pinoy!

MP-KNN teamNews ArchivesLeave a Comment

Magandang araw, Ma’am, Sir! Welcome po sa Mulat Pinoy’s Kapihan Series dito sa Bo’s Coffee, Glorietta 5, Makati!

Ang Mulat Pinoy ay parang matapang na kapeng pampagising upang imulat ang mga Pilipino sa iba’t ibang isyung ating kinakaharap lalo na sa usaping populasyon at pagbabago. Nais din ng Mulat Pinoy na  bigyan ng kapangyarihan sa pamamagitan ng edukasyon at makabuluhang talakayan ang mga Pinoy sa tulong na rin ng Internet. Naglalayon itong malaman at ipaalam ang paninindigan ng mga kandidato sa bawat isyung kinakaharap ng bansa, lalo na sa usaping population and development (popdev).

Mulat Pinoy Kapihan Sessions

Mulat Pinoy Kapihan Sessions

Samantalahin ang aming special promo, ang Mulat Pinoy Kapihan Series! Ito ay mga pagtitipon upang  mas personal na makilala ng media at ng publiko ang mga pangunahing kandidato. Namnamin ang inyong tasang kape habang ipinapaliwanag ng mga kandidato ang kanilang plataporma at pananaw sa populasyon at pagbabago. Kasama rin sa talakayan ang mga NGO at mga bihasa sa paksa ng Kapihan. Makibahagi, makiisa at maging maalam nang mailagay ang karapat-dapat na ihalal sa darating na 2010 eleksyon. Lahat ng Kapihan ay magaganap dito sa Bo’s Coffee, Glorietta 5, Makati.

Sinisigurado naming ang minsang pagdalo ay mauulit! Hahanap-hanapin ninyo ang balitaktakan at mainit na diskusyon. Ireserba na ang mga sumusunod na ang mga hapon ninyo para sa Mulat Pinoy Kapihan Series!

  • January 16 – Population and Environment
  • January 23 – Government Resources and Population Dynamics
  • January 30 – Population and Housing
  • February 13 – Population and Food Supply
  • February 27 – Population and Education
  • March 13 – Population and Health
  • March 27 – Urbanization/Migration
  • April 10 – Synthesis

Katulad ng espresso na pangunahing sangkap sa paboritong tasa ng latte, cappuccino, macchiato o mocha, ang populasyon ang siyang tinitingnang pangunahing elemento kung saan nakaugnay ang iba pang mga sistema tulad ng edukasyon, pangangalakal, ekonomiya, kalusugan at iba pang mga sektor.

Sa bansang tulad ng Pilipinas, ang populasyon ay isa sa mga maiinit na isyu, katulad ng mga panguhanahing pangangailangan, pagkain, pabahay, edukasyon na hindi pantay-pantay na natatamasa ng isang karaniwang Pinoy. Ang iba pang panlipunang kalagayan tulad ng kahirapan, kagutuman, usaping gender, at pangangalaga ng kalikasan ay nakaangkla sa paglaki ng populasyon sa isang bansa.

Ang pagiging mulat ay isa lamang hakbang. Oras na para buksan ang ating isipan sa bagong direksyon at malikhaing lunas para sa mga problema ng lipunan. Halina’t magkape at pag-usapan natin ang mga susunod na hakbang. Dumalo sa lahat ng Mulat Pinoy Kapihan. Nasa ating mga kamay ang kasagutan, nasa ating henerasyon ang pagbabagong magdudulot ng mas maligaya, maliwanag at maunlad na bukas. MULAT, PINOY!

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa Mulat Pinoy, bisitahin ang aming website na www.mulatpinoy.ph. Maari nyo rin kaming subaybayan sa (twitter.com/mulatpinoy), Twinoy (twinoy.com/mulatpinoy), Multiply at Facebook.

Ang Kapihan Series ay inihahandog ng Probe Media Foundation, Inc. (PMFI) sa tulong ng Philippine Center for Population and Development (PCPD).

Maraming salamat at balik po kayo!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *